ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Fugitives, scars, heroes, tuyo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 8, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Wanted The poster of Jose Ma âBong" Panlilo, Philippinesâ Most Wanted Criminal, is plastered all over Metro Manila. The fugitive is primary suspect to the murder of the de Castro brothers. Atty. Carmencita de Castro, mother of the murdered victims, has dedicated her life in tracking down the fugitive, shelling out millions to help solve the case. A five million peso reward awaits those who can provide information that will lead to Panliloâs capture. According to the Philippine National Police, in 2007, an estimated 12,000 suspects are on the loose. This figure is increasing as 500 suspects are added to the list daily. How do these fugitives manage to escape authorities? Scars Scars are no longer considered a problem especially when remedies are already available - silicone injection, laser and peeling treatments are few examples. For those with limited resources, juice from vegetables and fruits can substitute expensive treatments. While many individuals prefer to have their scars removed, actor Robin Padilla and Ret. Lt. Antonio are proud to have them. Their scars serve to remind them of their triumph over adversities. Hero When Jun Lozano surfaced to testify in the Senate about the ZTE-NBN Dealâs alleged anomalies, many regarded him as a hero. For the residents of Limasawa, Leyte, Dr. Martin Pareno - the doctor to the barrio who has served their community for two years â he is their champion. Meanwhile Kuya Ed, a volunteer teacher in a Mangyan community in Mindoro is an inspiration to the group. Each of us may have different ideas of people we consider heroes, but perhaps the essence of heroism lies in genuine love for country. Dried Fish Dried fish or âtuyo" was once believed to be a poor manâs food, but over the years, this perception has changed. From pastas, soups, and salads, the once lowly tuyo are now served in expensive restaurants. The dried fish we enjoy come from provinces like Barangay Sabangan, Pangasinan and Bantayan Island, Cebu where majority of the locals engage in âtuyo" business.
Wanted Nagkalat ngayon sa Kamaynilaan ang mga naglalakihang poster ni Jose Ma "Bong" Panlilio, ang tinaguriang "Philippines' Most Wanted Criminal." Tumataginting na limang milyong pisong pabuya ang naghihintay sa sinumang makapagtuturo ng kanyang kinaroroonan. At ang pangunahing abala sa pagtugis kay Panlilio, walang iba kundi ang ina ng kanyang mga biktima - si Atty. Carmencita de Castro. Binuhos na nga raw niya lahat ng kanyang oras, salapi maging buhay mahanap lamanag ang taong pumatay sa kanyang dalawang anak. Isa lang si de Castro sa libo-libong tao sa Pilipinas na hanggang ngayon, umaasa pa ring mahahanap ang hustisya. Sa talaan ng PNP noong 2007, mahigit 12,000 na pala ang wanted sa bansa. At araw-araw nadaragdagan pa raw ito ng 500 warrant of arrest. Bakit nga ba mailap sa awtoridad ang mga taong diumanoây lumabag sa batas? Paano sila nakakapagtago ng ilang taon? At ano bang buhay ang hinaharap ng mga pamilya nila ngayon? Peklat Kapag ang balat nagsugatâ¦kalimitan itong nagkakapeklat. Ang masagwa rito, panira ito sa pangarap nating flawless na kutis. Mabuti na lang at sa panahon ngayon, marami na raw paraan para matanggal ang mga peklat. Tulad na lang ng silicone injection at laser para sa nagkeloid na peklat. Peeling naman daw ang solusyon para mawala ang kinaiiritang mga butas na nilikha ng acne sa mukha. Kung wala namang pambayad sa mga klinika, pwede rin daw magkasya na lang sa pagpahid sa mukha ang ilang mga katas ng prutas at gulay. Pero kung ang karamihan nais ipatanggal ang kanilang peklat, ibahin nyo sina Robin Padilla at Ret. Lt. Antonio. Pinahahalagahan nila ang mga peklat nila dahil paalala raw ito sa kanila na minsa'y nagpunyagi sila sa isang matinding pagsubok ng buhay. Bayani Isang taong mabait, matapang, maprinsipyo at may pagmamahal sa bayan. Iyan daw ang ilan sa mga katangian ng bayani. Muli na namang lumutang ang konseptong ito ng ituring ng iba na bayani si ZTE-NBN Deal Star Witness Jun Lozada. Ngunit maituturing nga ba siya talagang bayani? Ang hindi natin alam, sa mga liblib na lugar, may mga taong nagpapamalas daw ng tunay na kabayanihan. Tulad na lang ni Dr. Martin Pareno, isang doctor to the barrios sa Limasawa, Leyte isang isla kung saan hindi na abot ng mga ospital at teknolohiya. Pero si Dr. Pareno dalawang taon na ritong naglilingkod. Nariyan din si SPO4 Antonio Espadero, na halos ibuwis na ang kanyang buhay para lamang pairalin ang batas. Pati na rin si Kuya Ed na buong tiyagang tinuturuan ang mga katutubong Mangyan para mas maging maayos ang kanilang pamumuhay. Mag-iba-iba man ang mukha ng isang bayani, iisa pa rin naman ang kahulugan at pinapahiwatig nito - isang taong may wagas na pagmamahal sa kapwa at bayanâ¦na hindi mahihigitan ninuman. Tuyo Ang mga karagatan na pumapalibot sa ating bansa, mayaman sa mga lamang dagat. At karamihan sa mga ito pagkaahon sa dagat, hindi lang basta basta piniprito, ginagataan o inaadoboâ¦merong iba, ginagawa itong tuyo. Tulad ng mga tao sa Brgy Sabangan sa Pangasinanâ¦umaasa sila sa pagtutuyo ng mga isda. Sa Bantayan Island naman sa Cebu⦠hindi lang isda ang kaya nilang ituyo, pati na rin mga pusit at hipon. Ang mga pagkaing tuyo, masarap man, kalimitan namang nadidikit sa imaheng pagkain daw ito ng mahihirap. Pero dito sa Maynila, pinapatunayan ng ilang mga sosyal na restaurants na hindi lang pang-masa ang dried seafoods. Dahil ang mga pagkaing tuyo, ginagawa nilang mamahaling pasta, salad at sopas.

More Videos
Most Popular