ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Colon cancer, bridge of hope, etc


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 29, 2008 Saturday, 8:30 p.m. On April 25, came an announcement from the Aquino family that shocked the nation: former President Corazon Aquino is suffering from colon cancer. Colon cancer is the sixth deadliest type of cancer in the Philippines, the same disease which took the lives of Helen Vela, Rio Diaz and Chat Silayan. The disease, though deadly, is curable when diagnosed at an early stage. Watch Jessica Sohos interview with Kris and Noynoy Aquino about the trial that the Aquino family is now facing. BEAUTY AND BRAINS? Would you rather be smart or beautiful?" This is probably THE question that the Pinoys are now pondering on after the Q & A portion of the recently-held Binibining Pilipinas, where Janina San Miguels infamous answer raised more than a few eyebrows, but nevertheless, won her the title of Bb. Pilipinas World. This incident revived questions about beauty pageants and aspiring candidates most of whom fear the Q & A portion. Is it because their English is bad, and the reason why International titles seem elusive? This Saturday, Jessica Soho meets the controversial Janina Miguel in a one-on-one interview where she reveals secrets of beauty pageant candidates and how they prepare for the Q & A. BRIDGE OF HOPE For ten years, Mary Jane makes an eight-kilometer walk just to be able to attend school. The lengthy hike leads her to Labangan River that has become a death trap to some of the other students like Michael who was crossing the river on his way home when he drowned due to its strong currents. Last month, Alitaytayan Bridge, tagged as the Bridge of Hope" was constructed in the area. With the new bridge, the river will no longer be a threat. Just this Wednesday, Mary Jane crossed the river again to attend her graduation. This time, she no longer needed to remove her shoes in crossing the river. HANEP-BUHAY Its graduation time once again and the number of job seekers is sure to increase. While a diploma guarantees some of employment, for some others, it is not a necessity Ponek, for instance, goes through great lengths literally just to release pigeons that will signal the start of the race of the Pigeon Racing Club. Bernard, meanwhile, makes money out of other peoples garbage: he constructs elaborate fantasy costumes from these refuse which he, in turns, sell for a profit. While a number of soldiers from the AFP take turns guarding Rizals monument at the Luneta, suffering not only the heat, but the pranks of mischievous visitors and by-standers. -------------------------------------------------------------------- COLON CANCER Nagimbal ang buong sambayanan nang pormal nang inanunsyo ng pamilya Aquino nito lamang Lunes ang pagkakaroon ng Colon Cancer ni dating Pangulong Corazon Aquino. At personal na nakapanayam ni Jessica Soho sina Kris at Noynoy para ibahagi ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya ngayon. Colon Cancer ang pang-anim na nakamamatay na uri ng cancer sa Pilipinas. Ano ba ang sakit na ito na siyang kumuha rin sa buhay nina Helen Vela, Rio Diaz at Chat Silayan? Sa kabila nito, kayang-kaya raw sugpuin ang colon cancer basta itoy ating maagapan. BEAUTY AND BRAINS? Would you rather be smart or beautiful?" Ito ang tanong ngayon ng sambayanan matapos magkalat sa Question & Answer portion ng Binibining Pilipinas 2008 si Candidate #15 Janina San Miguel. Ang kinataas ng kilay ng karamihan, nakopo pa rin ni Janina ang titulo ng Bb. Pilipinas World. Dahil dito, naging sentro muli ng usap-usapan ang mga kandidata sa mga ganitong beauty contest. Bakit nga ba karamihan sa kanila kinatatakutan ang Q&A portion? At pagdating sa Inglesan halos bumabali-baliko na ang kanilang dila? Ito rin ba ang dahilan kung bakit naging mailap na sa ating bansa ang mga international titles? Ngayong Sabado, makaka-one on one ni Jessica Soho ang kontrobersyal ngayon na si Janina San Miguel. At susuriin din kung paano nga ba pinaghahandaan ng mga kandidata ang kanilang mga isasagot sa anumang katanungan na matatapat sa kanila. BRIDGE OF HOPE Sa loob ng anim na taon, araw araw na nilalakad ni Mary Jane ang walong kilometrong layo ng kanilang eskwelahan. Ang nakakaalarma rito, kasama sa kanyang ruta ang ilog ng Labangan na kumitil na sa buhay ng ilang mga kapwa estudyante ni Mary Jane. Kasama na rito si Michael, na tinangay ng malakas na agos ng tubig nang minsang pabalik na siya sa bahay. Mabuti na lang at nitong nakaraang buwan, isang biyayang maituturing ang pagkakatayo ng Alitaytayan Bridge o kilala sa tawag na Bridge of Hope." Sa pamamagitan nito maiiwasan na ang peligro na dulot ng ilog ng Labangan. At nitong Miyerkules muli na namang tatawid si Mary Jane papunta sa eskwelahan upang dumalo ng kanyang graduation. Pero sa pagkakataong ito, di na sya magtatanggal ng sapatos para tawirin ang ilog dahil mayroon ng tulay na matatawiran papunta sa kanyang patutunguhan. HANEP-BUHAY Graduation na naman at siguradong marami ang dadagdag sa bilang ng mga Pinoy na naghahanap ng trabaho. Pero para naman sa ilan, hindi nila kinailangan ng diploma para pasukin ang ilan nilang mga kakatwang trabaho. Gaya na lang ni Ponek, ang opisyal na tagapag-alaga ng mga kalapati ng Pigeon Racing Club. Sakay ng truck, trabaho niyang dalhin ang mga kalapati sa malalayong lugar para pakawalan, bilang hudyat ng simula ng karera. Si Bernard naman kumikita ng pera mula sa mga bagay na para sa iba ay basura na. Proud siya sa mga kakaibang fantasy costume na nagagawa niya at naibebenta mula sa mga lumang materyales. Ang ilang sundalo naman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, papalit-palit na natotoka sa pagbabantay sa Monumento ni Jose Rizal sa Luneta. Ilang oras nilang tinitiis na hindi gumalaw kahit pa may ibang mga bumibisita sa estatwa ni Rizal na ginugulo sila. Ito ang mga maituturing na hanep-buhay!