ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Bright Side'

Diskarteng Pinoy at level-up adobo, abangan sa 'Bright Side'!

 

 

“ANG PABORITO NATING ADOBO AT MGA DISKARTENG PINOY NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE!”

Ayon sa Department of Labor and Employment, mahigit pitong millyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya pero sa gitna ng krisis lumalabas ang diskarte, sipag at malaking puso ng Pinoy.

From Sinulog Queen to Siakoy Queeen… nakilala ng Bright Side ang reigning Miss Sinulog ng Sinulog Festival 2020 sa Cebu.  Nag viral ang larawan ni Sinulog Queen dahil ngayon ang title niya na raw ay Siakoy Queen!  From Show Business to Food Business…ibang klase naman ang diskarte ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas. Habang hindi pa pwedeng magtaping nang teleserye dahil sa COVID-19, ang diskarte nila ay food delivery. At napabilib ang Bright Side sa pagkamalikhain ng ilang jeepney drivers na habang tigil pasada,  ang diskarte ay gumagawa  ng mga costumized computer tables  na pinaghahati-hatian ang kita.

ADVERTISEMENT

Matindi man ang hirap ngayon dahil sa krisis, hindi ito nagiging dahilan para magpangiti ng kapwa sa kanya-kanyang pamamaraaan. Saksi ang Bright Side sa sari-saring “little acts of kindness” ng ating mga Kapuso. Sa  Baguio City, nag viral ang larawan ng isang bata na nasagi ang birthday cake na pinag-ipunan ng kanyang mga magulang. Nabasa ng ilang bumbero ang post, sumaklolo sila na dalhan ng bagong birthday cake ang bata.  Isang security guard naman ang matapos batiin lang ang sapatos ng isang lalaki ay nasorpresa nang binalikan siya nito at binigyan ng mamahaling sapatos dahil mas kailangan daw niya ng sapatos araw araw.  At sa Cebu, ilang riders ang nagbibigay ng libreng delivery “tulong” at dahil sa kanila isang matanda na ilang dekada nang nawawala ang na-“reunite” sa kanyang pamilya!

At sa Good Eats… siguradong mapapakanin ka  sa sarap ng adobong niluto ni Kara at Boobay. Humahabol para sa Buwan ng Wika ang tagisan ng all-time Pinoy Food na Adobo: mas masarap ba ang Adobong Puti ng mga Kapampangan ni Kara o ang Adobong Ilokano ni Boobay?

Mas lalong pinasaya ang mga kwento tuwing Martes sa “BRIGHT SIDE” ng NEW NORMAL: The Survival Guide, hosted by Kara David 8:30PM sa GMANEWSTV!