ADVERTISEMENT

Public Affairs

Muling matakam sa mga putahe sa Taal!

#PSTaalDishes
Airing: October 17, 2020


Sa ating next destination para ka na rin daw nag time travel dahil bukod sa mga lumang bahay, napreserba din nila ang mayaman nilang hapag. Samahan si Kara David bisitahin ang ilang bayan sa paligid ng Taal Lake at tikman ang kanilang mga putaheng pinasarap ng panahon.

 



Bukod sa mga heritage site gaya ng Taal Basilica, naipreserba rin ng bayan ng Taal sa Batangas ang mga heirloom recipe nila, gaya ng Adobo sa Dilaw. Bersyon nila ito ng adobo na walang toyo. At ang pampalasang kanilang ginagamit, luyang dilaw o turmeric.



Ilan pa sa ipinagmamalaki nilang pagkain, ang tapang taal at longganisang taal.

 

ADVERTISEMENT

 


Sa bayan ng Agoncillo, sumama si Kara manghuli ng isdang sa Taal Lake lang makukuha, ang Tawilis. Ang best seller nitong luto, crispy fried tawilis.

 



Sa bayan naman ng Lemery sinaing na tulingan ang mabili. Sarap to the bones ang dish na ito dahil pati buto ng isda pwedeng kainin. Anim hanggang walong oras kasi itong niluluto.

 


Huwag palalagpasin ang exciting Taal food adventure sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Sabado 6:15PM sa GMA News TV!

 

ENGLISH
On our next food adventure, Kara will visit the towns bordering the Taal Lake. We will feast on their signature dishes like the crispy fried tawilis, adobong dilaw, tapang taal, longganisang taal and sinaing na tulingan.