ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Usapang buhok sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Normal lang na malagas ang 50 hanggang 100 hibla ng buhok mula sa ating ulo kada araw.  Ang mga ito, napapalitan naman agad. Pero hindi ganito ang nangyayari sa ilang miyembro ng pamilya Paglinawan.  Ang amang si Joven, anak na si Diones pati ang apo na is Otso -- lahat maagang nakalbo o nagsisimula nang makalbo.  Tuloy, nabansagan daw sila bilang Pamilya Pendong! 

Ayon kay Dr. Marcillano Cruz, isang dermatologist na eksperto sa buhok, nakararanas ng namamanang pagkalagas ng buhok ang mga Paglinawan.  Para raw sa kanila at sa mga katulad nila, may mga solusyon na para mas mapalago at mapakapal ang buhok.  Abangan ang mga solusyon na iyan sa Sabado.   
 
Bukod sa namamana, puwede rin na maging sanhi ng pagkalagas ng buhok ang stress.  Dagdag ni Dr. Cruz, isa sa mga stress na pinakanakaaapekto sa buhok ang panganganak.  Marami raw kasing pagbabago na nararanasan sa katawan ang mga bagong ina.   Mga mommy, bubusisiin namin ang topic na iyan para sa inyo para mas maging healthy ang inyong buhok.
 
Karaniwan na problema rin sa buhok ang pagiging manipis, tuyot at sira nito. May mga taong manipis talaga ang tubo ng buhok, pero ang pagkasira at pagkatuyot nito, possible raw na dawhil sa paggamit ng mga matatapang na kemikal sa buhok. May mga paraan kaya para maibalik ang dating ganda ng tinatawag na crowning glory?  Si beauty industry icon at businessman Fanny Serrano ang isa sa mga magbibigay ng kanyang mga tip kung paano niyo maggagawa iyan.
 
Usapang buhok tayo sa Sabado kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.

Tags: plug, beauty, health