ADVERTISEMENT

Public Affairs

Acne breakout, dulot pala ng kakakain ng mani? Alamin sa Pinoy MD!

 

Pinoy MD

October 29, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 
Ngayong Sabado nang umaga, problemang pangkalusugan na naman ang ating pag-uusapan at sosolusyunan!
 
Gaya ng taghiyawat na ayaw paawat, naging sakit sa ulo na raw ng ilan. Para sa 24 anyos na si Kimberly, mistula raw siyang tigyawat na tinubuan ng mukha dahil sa kakakain ng mani? Pero nang magpunta sa isang beauty clinic, nagbakbak pa raw lalo ang kaniyang balat! Ito nga ba ang solusyon?
 
 

ADVERTISEMENT

Pero kung ang problema mo naman ay pagkakalbo at pagkapanot, may paraan na raw para magmukhang may buhok? Kung paano, abangan!
 
 
Ngayong kabi-kabila na ang pagdiriwang ng fiesta, kabi-kabila na rin ang mga fire dancer sa pagpapakitang-gilas ng talento sa pagbubuga ng apoy. Pero ang tanong, ano ang epekto nito sa kanilang kalusugan?
 
 
At kapag ikaw raw ay nagkakuliti, sigurado raw na ikaw ay nanilip? Doc, totoo ba? Alamin ang dahilan at solusyon kapag nagkaroon ng kuliti!
 
 
Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang dermatologist na si Doc Jean Marquez para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Oct 29, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.