ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

GMA spokesperson Elena Bautista-Horn, ngayong Lunes sa Powerhouse


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Siya ang isa pinakakontrobersyal na tao ngayon. Hati ang opinyon ng mga tao kapag pinag- usapan ang kanyang pangalan. Marami ang naiinis sa kanya, ang iba naman bilib sa kanyang loyalty bilang tagapagsalita ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sino nga ba si Elena Bautista-Horn? Sa unang pagkakataon, bubuksan ng dating LTFRB Chief ang pintuan ng kaniyang 300-square meter na bahay. Ipinagawa dalawampung taon na ang nakararaan, ipinaayos ito ni Elena at ng kaniyang asawang si Holger, isang German national upang maging mas moderno. Ngayon, isa na itong maaliwalas na tahanan para sa kanilang kambal na anak na sina Martina at Lukas. Ipakikita ni Elena sa Powerhouse ang iba't ibang muwebles na minana pa niya sa kaniyang lolo at lola: ang malaking living room set na ipinaayos niya at ang kanyang limampu't limang taong gulang na narra dining table. Huwag palalampasin ang kwentuhan nina Mel Tiangco at Elena tungkol sa kaniyang personal na buhay: kung paano niya nakilala at napangasawa ang kaniyang mister, ang hindi planadong cesarian delivery ng kaniyang kambal, ang buhay niya bilang working mother at ang malapit na relasyon niya kay dating Pangulong Arroyo. Gayundin, matapang niyang sasagutin ang mga isyu na ngayon: ang pagkakatalaga sa kaniya sa kabila ng kakulangan niya sa karanasan, ang mga naging kaaway niya bilang LTFRB chief, ang mga trahedyang naganap sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang Maritime chief, at ngayon, ang pagtatanggol niya kay ex-President Arroyo. Ibang Elena Bautista-Horn ang makikita sa Powerhouse ngayong Lunes. Isang maasikasong ina, malambing na asawa at tunay na kaibigan. Abangan ngayong November 21, 10:30PM sa GMA News TV.