ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga negosyanteng nagpakilala ng mga bagong panghimagas, tampok sa Powerhouse


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kakaibang panghimagas na nagbago sa eating habits ng mga Pinoy ang itatampok ni Mel Tiangco bukas ng gabi sa Powerhouse.
 
Mas masarap pa raw kaysa ice cream, ‘yan ang matapang na proklamasyon ng entreprenuer na si Butch Bonoan tungkol sa kaniyang produktong Better Than Ice Cream o BTIC. Sinimulan ng Pamilya Bonoan noong 1989, ang BTIC ang maituturing na nag-umpisa ng frozen yogurt craze na nauuso ngayon. Ikukuwento ni Butch kay Mel ang simpleng simula ng kanilang negosyo na isinilang sa basement ng kanilang bahay, at kung paano nila ito naitaguyod at napalago sa kabila ng mabagal na pagtangkilik ng mga mamimili.
 
Ipapasyal din ni Butch si Mel sa kanyang 5-story home kung saan siya nakatira kasama ang kaniyang asawa at mga anak. Sa house tour, ipakikita ni Butch ang kaniyang den kung saan naruon ang kaniyang 20-year old paper bill collection. Ang ilan sa mga ito, nagmula pa sa panahon ng Hapon! Kapansin-pansin din ang mga paintings na nakasabit sa mga dingding tulad na lang ng mga obra nina National Artist Cesar Legaspi at world-renowned Filipino artist Manuel Baldemor.
 
Samantala, bibisitahin din ng Powerhouse ang bahay ng young entrepreneur na si Juliet Herrera. Si Juliet, kasama ang fiance niya na si Peter Chen, ang isa sa mga nagpauso ng milk tea business sa Pilipinas dahil sa kaniyang negosyong Serenitea. Ayon kay Juliet, hindi naging madali ang pagpapalago ng kanilang negosyo. Dahil hindi agad tinanggap ng mga Pilipino ang produkto nila, may mga panahong halos wala raw silang pambayad ng renta ng kanilang tindahan. Mabuti na lang at nakakuha sila ng magandang reviews mula sa mga bloggers. Dahil sa mga ito, unti-unting dumami ang kanilang customers at gumanda ang
kanilang kita. Ngayon, may 24 branches na ang Serenitea sa buong Luzon.
 
Sa ngayon, nakatira pa si Juliet sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Laguna kung saan araw-araw pa rin siyang bumibiyahe. Tumulong si Juliet sa pagde-decorate nito; mula sa pagpili ng kulay ng sofa, hanggang sa wall decorations. Para kay Juliet, simple man ang kanilang bahay, kitang-kita naman dito ang mga naipundar nila dahil na rin sa pagsisikap ng kaniyang pamilya.
 
Ang kakaiba nga ba ay mas masarap pa sa nakasanayan? Alamin sa Powerhouse, Martes, 8PM sa GMA News TV.