ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Chief Justice on Trial sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
THE CHIEF JUSTICE ON TRIAL  Reporter's Notebook Special Report May 29, 2012   Sa nakalipas na halos limang buwan, ito marahil ang pinakamalaking balitang masugid na sinundan at pinag-usapan ng buong bayan - ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, ang ika-dalawampu't tatlong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.   Enero 16, 2012 nang gumulong ang makasaysayang paglilitis matapos mabilis na naiakyat sa Senado ng House of Representatives ang reklamong naglalaman ng walong articles of impeachment. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, isang Punong Mahistrado ang na-impeach ng Kamara.   Sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings, mula sa walo ay naging tatlo ang articles of impeachment. Kabilang sa mga ito ang umano'y pagkiling ni Chief Justice Corona pabor kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa pag-issue ng temporary restraining order o TRO kontra sa inilabas na hold departure order ng Department of Justice kay Arroyo para huwag makaalis ng bansa noong Nobyembre, ang pagkuwestiyon sa umano'y pabago-bagong desisyon ng Korte Suprema at kredibilidad bilang Chief Justice at ang pinakatinutukan: ang hindi raw pagsasapubliko ni Chief Justice Corona ng kanyang yaman at ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth or SALN. Mga paglabag na para sa panig ng prosekusyon ay sapat na basehan para tanggalin sa puwesto si Chief Justice Corona, pero sa panig depensa, ang mga ito ay hindi impeachable offenses.      Matapos ang tagisan ng magkabilang panig, nakatakda nang magbaba ng hatol ang mga Senador/Hukom sa inihaing impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.  Ano ang magiging hatol ng impeachment court? Paano ito makaaapekto sa pamahalaan, sa mga mamamayan at sa buong bayan?