ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Iskulorum' at 'Sin Tax Bill' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK June 5, 2012 "ISKULORUM" Ulat ni Maki Pulido Taon-taon, mahigit tatlumpung libong piso bawat bata ang ginagastos ni "Myrna", hindi niya tunay na pangalan sa pagpapaaral sa kanyang mga anak sa isang pribadong paaralan. Pero nanganganib na mauwi sa wala ang lahat ng kanilang ipinundar matapos matuklasang "kolorum" ang eskuwelahan. Ang kanilang pangamba, ang ilang taon na ginugol ng mga mag-aaral sa eskuwela, maari pang ituring na invalid o walang bisa. Sa tala ng Department of Education o DEPED, sa mahigit sampung libong private elementary at secondary schools sa bansa, tatlong libo o 25% ang itinuturing na "kolorum", mga paaralang walang kaukulang permiso at akreditasyon mula sa DEPED. Bakit nakalulusot sa mga kinauukulan ang ganitong sistema? SIN TAX BILL Ulat ni Jiggy Manicad Ayon sa Global Youth Tobacco Survey ng World Health Organization, dalawa sa bawat limang Pilipino edad 13 hanggang 15 ang naninigarilyo. Katumbas ito ng mahigit dalawang milyong kabataan. Ang isa sa mga itinuturong dahilan ng papataas na bilang ng mga kabataang naninigarilyo, ang mababang presyo ng sigarilyo sa bansa. Katunayan, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamurang sigarilyo sa buong mundo. Ilang taon nang pinagdedebatehan sa Kongreso ang pagpapasa ng Sin Tax Reform Bill na naglalayong taasan ang presyo ng ilang produkto gaya ng sigarilyo. Ngayon, itinuring na itong isa sa mga priority bill ni Pangulong Aquino. Sagot nga ba ang Sin Tax Refom bill sa iba't ibang isyung kaakibat ng paninigarilyo?
More Videos
Most Popular