ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Unang Dalawang Taon: State of the Nation Special Report


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK July 24, 2012   ANG UNANG DALAWANG TAON State of the Nation Special Report Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido   Sa ikatlong pagkakataon, muling magbibigay ng ulat si Pangulong Noynoy Aquino sa taumbayan. Sa mga nauna niyang State of the Nation Address, kanyang inilahad ang ilan sa mga programa at pangako ng kanyang administrasyon: pagpapababa sa bilang ng mga nagugutom, pagpapalawig sa serbisyong pangkalusugan, pagpaparami ng trabaho, pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao, pagpapalakas sa Sandatahang Lakas, pagpapatatag sa mga ahensiya ng pamahalaan, paggawad ng katarungan at hustisya at pagpapanagot sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian.  Sa SONA 2012, inaasahang ibibida ng Pangulo ang kanyang mga nagawa kaugnay ng kanyang mga naunang pangako at ilalahad ang iba pang programa na planong gawin ng kanyang administrasyon.   Makalipas ang dalawang taon niyang panunungkulan, natupad ba ni PNoy ang kanyang mga ipinangako? May nagbago nga ba sa buhay ng mamamayang Pilipino?