ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ahensiyasat: PAGASA' at 'Buwis-Buhay' sa Reporter's Notebook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK August 7, 2012   AHENSIYASAT: PAGASA Ulat ni Maki Pulido Ahensiyang naatasan upang maghatid ng wasto at maagap na ulat panahon - ito ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA. Apatnapung taon mula nang maitatag ang ahensiya, iba't ibang kasalatan at kakulangan pa rin ang patuloy na hinaharap nito. Makailang ulit nang ipinanukala ang PAGASA Modernization Act na naglalayong maglaan ng pondo para sa mga makabagong kagamitan gayundin ang pagdadagdag ng tauhan sa ahensiya, pero tila natabunan na ang panukala. May pag-asa ba sa PAGASA? BUWIS-BUHAY Ulat ni Jiggy Manicad Taong 1995 nang maging ganap na batas ang Anti-Hazing Law. Pero tila hindi ito naging hadlang para mabura ang karahasan. Mula 1995, umaabot sa dalawampu't apat ang bilang ng mga nasawi dahil sa hinihinalang hazing ng ilang fraternities. Ang pinakahuli - si Marc Andrei Marcos ng San Beda. Hanggang ngayon, patuloy na pinaghahanap ang mga itinuturong sangkot sa isinagawang initiation rites. Pero gaya ng kaso ni Marcos, ilang kasong may kinalaman din umano sa hazing ang hindi pa rin naparurusahan. Napapanagot nga ba ang mga maysala sa mga krimeng dulot ng karahasan sa mga kapatiran?