ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook Special Coverage: PABLO
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK SPECIAL COVERAGE: PABLO Ulat nina Maki Pulido at Jiggy Manicad Airind date: December 11, 2012
Sa nakalipas na dalawang taon, binayo ng malalakas na bagyo ang Mindanao, kasama na ang iba pang bahagi ng bansa. Noong nakaraang Disyembre, si Sendong. At ngayong taon, si Pablo. Ayon sa pinakahuling tala ng NDRRMC, halos limampung libong pamilya ang apektado sa kabuuan, mahigit tatlong daan na ang namatay, at may higit tatlong daan pa ring nawawala. Mula sa Compostella Valley, mag-uulat si Jiggy Manicad tungkol sa kalagayan ng mga kababayan nating apektado ni Pablo. At mula naman sa Cagayan de Oro, mag-uulat si Maki Pulido tungkol sa tunay na estado ng mga nasalanta. Isang taon matapos ang trahedyang dala ni Sendong, hindi pa tuluyang nakaaahon ang ilan nating mga kababayan sa Mindanao. At ngayong kalilipas lang ng bagyong si Pablo, ano nga ba ang naghihintay para sa mga biktima ng kalamidad? Antabayanan ang espesyal na ulat ng REPORTER’S NOTEBOOK tungkol sa pananalasa ni Pablo, ngayong Martes, ika-11 ng Disyembre.
Sa nakalipas na dalawang taon, binayo ng malalakas na bagyo ang Mindanao, kasama na ang iba pang bahagi ng bansa. Noong nakaraang Disyembre, si Sendong. At ngayong taon, si Pablo. Ayon sa pinakahuling tala ng NDRRMC, halos limampung libong pamilya ang apektado sa kabuuan, mahigit tatlong daan na ang namatay, at may higit tatlong daan pa ring nawawala. Mula sa Compostella Valley, mag-uulat si Jiggy Manicad tungkol sa kalagayan ng mga kababayan nating apektado ni Pablo. At mula naman sa Cagayan de Oro, mag-uulat si Maki Pulido tungkol sa tunay na estado ng mga nasalanta. Isang taon matapos ang trahedyang dala ni Sendong, hindi pa tuluyang nakaaahon ang ilan nating mga kababayan sa Mindanao. At ngayong kalilipas lang ng bagyong si Pablo, ano nga ba ang naghihintay para sa mga biktima ng kalamidad? Antabayanan ang espesyal na ulat ng REPORTER’S NOTEBOOK tungkol sa pananalasa ni Pablo, ngayong Martes, ika-11 ng Disyembre. More Videos
Most Popular