ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook: Philex Mine Spill at Sendong


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK Airing date: December 18, 2012   "PHILEX MINE SPILL" Ulat ni Jiggy Manicad   Ang Philex mine spill, itinuturing ngayon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR bilang pinakamalaking mining disaster sa kasaysayan ng bansa kung dami ng tagas ng tailings o basurang mina ang pagbabatayan. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau o MGB, umabot sa 20 million metric tons ang dami ng tumapong mine tailings. Katumbas ito ng isang milyong ten wheeler truck ng buhangin. Nangyari ang pagtagas matapos mabutas ang tailings pond ng Philex sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan. Ang nakababahala, ang mga residenteng naninirahan sa mga ilog kung saan tumagas ang tailings, labis raw na naapektuhan ang kabuhayan. Ano ang ginagawa ng kumpanya upang matiyak na malinis ang basurang mina at matulungan ang mga naapektuhan? Paano sinisiguro ng pamahalaan na hindi na muling maulit ang mga ganitong pangyayari?   "SENDONG: ISANG TAON" Ulat ni Maki Pulido   Bago manalasa at humagupit ang Bagyong Pablo ngayong Disyembre, isa ang Bagyong Sendong noong nakaraang taon sa mga pinakamapaminsalang bagyo sa kasaysayan ng bansa. Higit sa 1,000 ang bilang ng mga binawian ng buhay at 51,000 ang bilang ng mga nawasak na tahanan sa Mindanao kabilang na ang mga siyudad ng Cagayan de Oro at Iligan City. Pero isang taon matapos ang pananalasa ni Sendong, marami sa mga biktima ang hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon. Marami sa kanila ang wala pa ring maayos na tahanan. Paano ito tinutugunan ng pamahalaan?   Ang mga isyung ito ang sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ngayong Martes, ika-18 ng Disyembre.