ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook: Loose Firearms at Nakatenggang Aparato
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK Airing date: January 15, 2013 "LOOSE FIREARMS" Ulat ni Jiggy Manicad Sa pagpasok ng bagong taon, isang karumal-dumal na krimen ang gumimbal sa marami—ang mass shooting sa Kawit, Cavite na kumitil sa buhay ng walong katao kabilang na ang suspek. Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, natuklasang loose firearms o hindi lisensyadong mga baril na ginamit ng shooter. Ayon sa tala ng Firearms and Explosives Division ng Philippine National Police, tumaas ang bilang ng loose firearms sa bansa ng limampung porsyento. Kung noong 2002 ay 300,000 ang tinatayang bilang ng mga ito, umakyat ito sa 600,000 noong 2012. Ano ang ginagawa ng mga otoridad upang mapigilan ang pagtaas ng bilang na ito nang hindi na dumami pa ang mga biktima? "NAKATENGGANG APARATO" Ulat ni Maki Pulido Sa inilabas na report ng Commission on Audit o COA ngayong taon, natuklasang ilang aparato at kagamitan sa ilang pampublikong ospital sa bansa na nagkakahalaga ng 42.6 milyong piso ang nakatengga at hindi nagagamit. Isa-isang pinuntahan ang mga pampublikong ospital na ito at inalam ang katotohanan kung bakit hindi napakikinabangan ang mahahalagang kagamitang ito. Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang kawalan ng medical personnel na maaaring mag-operate ng mga hospital equipment. Pero paano nga bang malulutas ang problemang ito, na nagreresulta sa nasayang na pondo? Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-15 ng Enero.
More Videos
Most Popular