ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Banat Buto' at 'Lupang Tigang' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK
Airing date: April 2, 2013
BANAT-BUTO
Ulat ni Jiggy Manicad
Kulubot ang balat at mahina na ang katawan, pero marami pa rin sa mga senior citizen ang napipilitang pumasok sa mabibigat na trabaho. Kung tutuusin, ilang programa na ang ipinatupad upang magbigay pribilehiyo sa mga matatanda. Isa na rito ang pamamahagi ng limandaang pisong social pension kada buwan sa mga mahihirap na lola at lolo pero gaya ng ibang programa, marami raw ang hindi naaabot ng mga benepisyong ito. Ano ang dapat gawin upang matulungan ang ating mga kababayang nasa dapithapon na ng kanilang mga buhay?
LUPANG TIGANG
Ulat ni Maki Pulido
Taong 1999 nang simulan ang Southern Philippines Irrigation Sector Project na naglalayong makapagtayo ng irigasyon o patubig sa Agusan del Norte at Agusan del Sur. Makatutulong sana ang proyekto sa sampung libong magsasaka sa lugar. Upang mapondohan ang malawakang irrigation project, nangutang ang gobyerno ng animnapung milyong dolyar o mahigit dalawang bilyong piso mula sa Asian Development Bank. Dapat sana ay tapos na ang proyekto noong taong 2010 pa pero nang bisitahin ng Reporter’s Notebook ang mga patubig, may ilang bahagi ng proyekto ang hindi pa rin tapos at may ilang tuluyang hindi napakinabangan dahil sa maling disenyo. Bakit humantong sa ganitong kalagayan ang dapat sana’y magandang proyekto?
Balikan ang mga natatanging ulat ngayong Martes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

More Videos
Most Popular