ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Bat Hunters' at 'Tent City' sa Reporter's Notebook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK
Airing date: May 21, 2013

BAT HUNTERS
Ulat ni Maki Pulido




Tahanan ng daan-daang paniki ang isang kuweba sa Barangay San Vicente sa bayan ng Virac, Catanduanes. Kabilang sila sa mga nocturnal animal o mga hayop na gising sa gabi. Kaya naman habang mahimbing silang natutulog sa umaga, hudyat naman para bulabugin sila ng ilang residenteng bat hunters. Kabilang sa kanila ang mag-amang Edwin at Jonjon, hindi nila tunay na pangalan. Ginigising nila ang paniki gamit ang ilang pampasabog at hinuhuli nila sa pamamagitan ng lambat. Kapag nakatay na, naibebenta nila ang mga paniki sa halagang 130 pesos kada kilo. Mahigpit mang ipinagbabawal sa batas ang ganitong kalakaran, hindi raw nila tiyak kung kailan sila titigil dahil ito lang ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

TENT CITY
Ulat ni Jiggy Manicad


 

Mula noong nakaraang buwan, parami na ng parami ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker o OFW na nagsisiksikan sa mga temporary shelter sa Jeddah, Saudi Arabia. Ito ay matapos ipag-utos ng hari ng Saudi ang crack down o paghuli sa mga ilegal o undocumented workers sa nasabing bansa. Ang ilan sa mga batang nasa Tent City, nagkakasakit na at ang higit raw nilang ipinag-aalala, wala na silang naipapadalang pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang matulungan ang mahigit tatlong libo nating kababayang stranded sa Saudi?
 
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-21 ng Mayo pagkatapos ng Saksi.