ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Reporter's Notebook' special: ang pundidong Pugad lighthouse
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


May 17, 2014
PUNDIDONG PAROLA
Reporter’s Notebook Special Report
Gabi-gabi ay mistulang nangangapa sa dilim ang mangingisdang si Mang Rommel Cruz. Gamit niya sa pangingisda ang isang maliit na flashlight. Kung tutuusin, may gabay naman silang ilaw dapat mula sa lighthouse o parola, pero ang problema, ang Pugad Lighthouse na sakop ang kanilang lugar, hindi na gumagana.
Kung pagbabasehan ang General Appropriations Act, nakapaglaan ng humigit kumulang 373 milyong piso para sa pagsasaayos ng mahigit apatnapung parola sa buong bansa ang Department of Transportation and Communications. Pero nang magtungo ang "Reporter's Notebook" sa lima sa mga parolang ito, lahat walang umiilaw at hindi napakikinabangan.
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang "Reporter’s Notebook" ngayong Sabado, May 17 pagkatapos ng "I-Witness" sa GMA-7.
Tags: prstory, pugadlighthouse
More Videos
Most Popular