ADVERTISEMENT

Public Affairs

Pagbabalik-tanaw sa buhay ni PNoy

 

ANG IKA-LABINLIMANG PANGULO
JULY 1, 2021

 

 

 

”Kayo ang boss ko. Kaya hindi pwedeng hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” ”Kung walang corrupt, walang mahirap.” Ito ang mga tumatak na pahayag ng dating Pangulong Noynoy Aquino, mga pahayag na bumuo sa pangako niyang daang matuwid. Sa loob ng anim na taon, ano nga ba ang nagawa ng administrasyong PNoy?

 

 

ADVERTISEMENT

 

Nakausap namin ang driver ni PNoy na si Mang Nory Mariano. Mahigit apat na dekada na siyang nagtatrabaho para sa pamilya Aquino. Ipinakita pa sa amin ni Mang Nory ang ilang larawang kasama niya ang dating pangulo.

 

 

Naging kilala din si PNoy sa pagtatalaga ng mga young professionals sa kanyang administrasyon gaya ni Cedrick Forbes na dati niyang assistant aide. 23 years old noon si Cedrick. Hanggang ngayon, itinatago pa rin ni Cedrick ang mga bagay na naitabi niyang mga keepsake at souvenir habang nagtatrabaho sa dating pangulo.

 

 

Isa rin sa mga naging bahagi ng administrasyon ni PNoy ang actor na si Dingdong Dantes, na naging Commisioner-at-large ng National Youth Commission.

 

 

Nasundan ng Reporter’s Notebook ang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Kung may mga tagumpay at magagandang balita tungkol sa kanyang pamumuno, may ilan ding kontrobersya na hinarap niya.

Abangan ang buong kuwento ng “IKA-LABINLIMANG PANGULO” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, July 1, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.