Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Online utang at dumpster diver, tatalakayin ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook!


Want to see the E22 local results for ? Click location.

 

2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST

 

 

ONLINE UTANG

JANUARY 23, 2022 / 9:15PM SA GTV


Paano kung sa araw-araw, halos putaktehin ka ng  mga mensahe ng pamamahiya at pagbabanta? Sino ang iyong tatakbuhan?

 


Sa dami ng nagsulputang online lending applications, marami ang sumubok na mangutang. Pero ang ilan sa kanila, nagiging biktima raw ng harassment at pamamahiya. Ang iba, nakaranas pa ng pagbabanta at pagtatangka sa kanilang buhay tulad ni Patricia, hindi niya tunay na pangalan

 

 

DUMPSTER DIVER

JANUARY 23, 2022 / 9:15PM SA GTV


Ang fruit smoothie at home-made strawberry jam na ginagawa ng Pinay na si Aiza French mula sa Florida, USA, aakalain niyo bang galing lahat sa basurahan  sa Amerika?

 


Nag-iikot si Aiza sa mga dumpster para mangolekta ng mga pagkain at iba’t-ibang gamit na pwede pang makain at mapakinabangan. Dumpster diving ang tawag nila rito. Ang mga pagkaing nakuha nila, itinapon na ng mga grocery stores dahil hindi na raw pwedeng ibenta.

 


 


 


 

Ang mga naipong pagkain ni Aiza, maituturing na food waste kung hindi nila kinuha. Tinatayang nasa 1.6 bilyong tonelada ng pagkain ang nasasayang kada taon sa buong mundo. Kaya sana nitong magpakain ng mahigit halos dalawang bilyong indibidwal sa buong mundo.

 

Paano nga ba masosolusyunan ang problema sa foodwaste?

Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong timeslot, Linggo, January 23, 2022 9:15pm sa GTV.

 

Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms