ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Onerous projects and young gladiators


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 3, 2008 Tuesday night after Saksi Onerous Projects? Report by Maki Pulido Billions of funds are allotted for the modernization program of the Philippine National Police which entails procurement of arms and other equipment. This year alone, almost one hundred million pesos is budgeted for the acquisition of M16 rifles and assault weapons. But this good news seems to be pointless. Critics claim the project is anomalous, alleging that it has not gone through the necessary process of public bidding. Despite efforts to address the needs of the police, how can we be sure that the situation will improve if some of the PNP's projects are said to be onerous and ridden with irregularities? Young gladiators Report by Jiggy Manicad Children, age nine to eleven, are now being used in the violent world of illegal street fighting. In exchange for a measly amount, these kids endure all the pain and suffering that street fighting entails. In spite of their young age, they are being used like gladiators, fighting in front of an audience eager to bet on their fate. But this violent form of entertainment does not seem to be a simple backyard fight club. Whistleblowers claim organizers run and operate the fights like a syndicate where powerful men are behind the games. How has this underground battles evaded the authorities?
Maanomalyang proyekto? Ulat ni Maki Pulido Bilyong piso ang halagang ginugugol ng gobyerno para sa modernization program ng Philippine National Police. Kabilang dito ang pagdagdag ng mga armas at kagamitan ng mga pulis. Ngayong taon, halos isang daang milyong piso ang budget para sa pagbili ng panibagong M16 rifles o assault weapons na gagamitin ng kapulisan. Magandang balita ang layuning paunlarin ang kalagayan ng mga kagamitan ng mga pulis. Pero ang masaklap, balot ang programang ito sa kontrobersiya. Umaalma ang ilan sa naging proseso ng proyekto. Maanomalya umano dahil sa hindi ito dumaan sa public bidding. Sa kabila ng pagluluwal ng pondo para tugunan ang kanilang mga pangangailangan, paano masisigurong may magbabago sa kalagayan ng mga pulis kung ang ilang proyekto nito'y balot naman daw ng anomalya? Batang sabong Ulat ni Jiggy Manicad Mga batang halos wala pang muwang, edad siyam hanggang labing-isa pero bagong kasangkapan sa marahas at madugong mundo ng sakitan. Sa murang halaga, binabayaran ang mga batang ito sa kakaibang uri ng street fight kung saan basagan ng mukha at balyahan ng katawan ang labanan. Mistulang mga manok na pinagsasabong ang mga batang ito na pinagkakakitaan at pinagpupustahan. Malasindikato ang takbo ng labanan kung saan makapangyarihan umano ang ilang sangkot. Paano nakalulusot ang gawaing ito sa mata ng mga awtoridad?