ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Huli sa akto sa tulong ng CCTV!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
HULI SA AKTO!   Tila mga matang nakamasid anumang oras ang mga Closed Circuit Television o CCTV!  Pero kung noon ay malalaking establisimiyento lang ang mayroon nito, ngayon, protektado na rin daw nito ang kaligtasan maging ng mga maliliit na negosyo at pati mga barangay.   Tunghayan kung paano nahuli sa akto ang ginawang panloloob ng isang grupo ng salisi gang sa isang tindahan ng cellphone load at accessories sa Dasmariñas, Cavite.  Huli rin sa CCTV ang isang kahina-hinalang menor de edad na lumapit sa isang pampasaherong jeep sa Tondo at nanghablot ng hikaw ng isang pasahero.   Kasama ang eksperto, alamin ang makabagong modus ng mga kawatan para hindi ka masalisihan.   KAHIT SINO, PUWEDENG TUMULONG!   Noong Biyernes, tinatayang limangdaang kabahayan ang tinupok ng apoy sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.  Sa gitna ng kaguluhan, isang menor de edad ang nawalay sa kanyang ina at sinaklolohan ng isang nagmalasakit na estranghero.   Naniniwala ang Rescue na pagdating sa kaligtasan, kahit sino, puwedeng tumulong! Panoorin si Arnold Clavio ngayong huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!