ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ambulansya' sa Rescue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Airing Date: May 24, 2012 Mahalaga ang ambulansiya sa pagliligtas ng taong nasa bingit ng kamatayan.  Pero hindi lahat ng barangay sa bansa ay mayroon nito.  Kaya sinundan ng Rescue ang mga iba’t ibang sasakyan na nagsisilbing ambulansya sa iba’t ibang lugar. Sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila, hindi na mapakinabangan ang luma nilang ambulansya.  Kaya naman oras na magkaroon ng emergency, isang tricycle ang nagsisilbi nilang alternatibo.  Sa aming pagbabantay sa barangay, inabutan naming ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip na kailangang dalhin sa Ospital.  Dahil sensitibo ang kanyang kaso at hindi puwedeng sa tricycle isakay, isang hiniram na sasakyan ang nagdala sa kanya sa ospital. Samantala, sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte Bulacan, nabulok na ang ambulansiya.  Ang natitira nilang ambulansiya, nasa talyer dahil kinukumpuni pa.  Ang Muzon ang barangay na may pinakamalaking populasyon sa San Jose Del Monte.  Habang wala pa silang magamit, nagsisilbing kaagapay nila sa oras ng emergency ang Rescue Team ng munisipyo.  Gaya na lamang ng aksidente na aming nadokumento nitong Sabado.  Isang motorsiklo ang bumangga sa isang bakod.  Lubhang nasugatan ang biktima.  Paano siya ililigtas sa takdang panahon? Dito sa RESCUE, pagdating sa kaligtasan, naniniwala kaming kahit sino, puwedeng tumulong.  Huwebes ng gabi pagkatapos ng SAKSI!