ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Barangay Ronda sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Airing Date:  June 7, 2012   Sa bawat pagronda, wala raw maliit o malaking problema. Lalo pa’t kadalasan, ang simpleng away ay nauuwi raw sa sakitan.   Sa Barangay 123 sa Tondo, Manila ipinatutupad ang curfew para sa mga menor de edad pagpatak ng alas diyes ng gabi. Para masigurong wala nang batang gumagala sa oras na ito, regular na rumuronda ang mga tanod dito.   Sa kalagitnaan ng kanilang pag-iikot, isang grupo ng mga kabataan na nagsisigawan ang umagaw ng atensiyon ng mga opisyal ng barangay.  Isang lola umano na may dalang patalim ang pinagbabantaang sasaktan ang kaniyang sariling apo. Depensa ng matanda, nag-aalala siya sa kaligtasan ng kanyang menor de edad na apo dahil madalas umalis ng hatinggabi para makipagkita umano sa karelasyon nitong kapwa babae. Inimbitahan ng mga tanod ang mag-lola sa barangay hall para ayusin ang problema.   Para maiwasan ang mga ganitong gulo, ang ilang barangay, high tech na rin ngayon! Armado na ng Closed Circuit Television o CCTV para mas madaling mamonitor ang nangyayari sa kanilang lugar, 24 oras. Alamin kung paano nakatulong ang CCTV para masugpo ang krimen at makaiwas sa mas malalang panganib.   Samahan si Arnold Clavio sa “Barangay Ronda” sa Rescue! Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!