ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Disgrasya sa gitna ng pista ng Sto Niño sa Tondo, nadokumento ng 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Disgrasya sa Fiesta
January 24, 2013 
 
Sa gitna ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño sa Tondo, ilang mga nabiktima ng kaguluhan ang nakunan ng Rescue.
 
Isang lalaki ang binato ng bote ng alak matapos niyang sawayin ang isang grupo ng nag-iinuman na labis daw ang pag-iingay. Nauwi sa ER ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang lalaki matapos rumesbak ang grupo.
 
Isang mag-asawa naman ang imbes na makisaya sa araw ng pista, sa ospital din nauwi. Si misis kasi, inabutan daw ni mister na wala nang malay. May sakit na diabetes ang kanyang misis at maaaring dala raw ng komplikasyon, inatake siya sa puso.
  
Abangan ang mga makapigil-hiningang kuwentong 'yan kasama si Arnold Clavio sa Rescue, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!