ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Transcript: Manny at Jinkee Pacquiao live interview sa State of the Nation


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
JS: At ngayong gabi kamustahin natin ang ating pambansang kamao Manny Pacquiao na kakarating lang sa Pilipinas at kasama din niya ngayong gabi ang kanyang misis na si Jinkee. Magandang gabi sa inyo Congressman Pacquiao at Jinkee.   JP: Good evening   MP: Magandang gabi din   JS: Mukhang ngayon lang kayo nagsama live on Philippine Television. Okay ba kayo? Solid ba? Pasensya na kayo congressman, alam ko medyo irita kayo sa tanong na ito pero yaman din lamang na magkatabi, magkasama kayo ngayong gabi, okay na kayo? Wala nang problema?   MP: Okay naman sa awa ng Panginoon.   JS: Jinkee, ikaw for your side naman. Okay ba kayo? Tapos na ba ang unos? Tapos na yung pag-subok?   JP: Okay naman, wala namang problema.   JS: Ang balita namin ay nag-kulong kayo sa kwarto may nakalagay pa na no disturb o 'Don’t Disturb.'   MP: Nagpahinga kami kasi hindi kami nakatulog sa plane pagbalik sa Pilipinas at hindi kami nakatulog, umidlip kami ng konti.   JS: Congressman, nagkaroon ba kayo kahit konti, post-fight analysis na, kasama mo ang iyong coach na si Coach Freddie Roach?   MP: Uhm, pinanood namin ulit at saka malinaw na malinaw na walang kaduda-duda na panalo tayo.   JS: Pero, in-analyze niyo ba, what could possibly gone wrong? Ang sabi yata ni Coach Roach bago ang laban ay first round knock-put na, anong nangyari? Bakit nag-stretch hanggang 12th round tapos lalo na yung first rounds ay nakakapuntos si Marquez?   MP: Unang-una after ng 2nd round nanigas na yung kaliwang paa ko, hila-hila ko na, nawala na yung balancing ko at yung kaliwang paa ko kung mapapansin nila ay hila-hila ko, hindi ko na masyadong maigalaw hindi tulad ng galaw na ginagawa ko sa training at nagkaroon ng problema but aggressive pa din tayo sa fight . Actually yung strategy namin is abang lang kami, counter punch pero ako palagi nag-initiate ng action para gumanda ang laban at hindi maging pangit ang resulta.   JS: Nabasa ko congressman na may problema ka sa paa parang hindi ito yung first time nangyari ito. Nagkaroon ka na rin ng cramps, one of your previous fights, ano daw ba ito?   MP: Yan yung problema ko, ang paa ko. Ilang beses na iyan, hindi lang ngayon, mga nakaraan pa at ito yung gagamutin ko habang nagpapahinga ako.   JS: Ano yung initially sabi ng doctor? Cramps lang daw ba talaga ito?   MP: Uhm, hindi ko pa napatingnan sa doctor . Patingnan ko din kasi laging sumasakit every fight.   JS: Oohh. Jinkee, ano, meron kang video ng laban hindi pa ina-announce ang desisyon nakita yung facial expression mo doon, para kang naiiyak na, worried na worried. Kwento mo naman sa amin kung ano ang pinagdaanan mo kasi sabi mo yata nung una hindi mo papanoorin eh pero itong laban na ito ay pinanood mo talaga. How was it like na napapanood mo yung mister mo na binubugbog doon, nakikipagsapalaran at nandun ka rin sa ring side?   JP: Uhm, siyempre natatakot din ako, syempre kailangan din suporta ko kahit may pinagdadaanan kami. Hindi naman alam ng mga tao yun pero ang suporta ko ay 100 percent hindi naman nawawala yun.   JS: Okay.   JP: Yung pag-announce kasi ng score kung sino ang panalo, nakapikit kasi ako kasi hindi ko alam kasi hindi ako nanood ng mga last two rounds. Nakayuko na lang ako kasi parang pinapakinggan ko na lang ang mga reaksyon ng mga tao at saka mga kasamahan ko so hindi ko alam kaya ako nakapikit parang sinasabi ko na Lord sana manalo si Manny yun pinag-pe-pray ko siya.   JS: Kitang-kita nga sa mukha mo yung parang mangiyak-ngiyak ka nun eh  parang hindi mo ma-describe siguro yung pinagdadaanan mo. Pero bilib din ako sa iyo ah kasi nakayanan mo panoorin ang nauna mga rounds…   JP: Nasanay din ako na pinapanood siya na siyempre hindi ako absent mga lahat ng mga fights niya so hindi ko lang lubos akalain na ganun ka-close nung laban.   JS: Anong pakiramdam mo yung napupuntusan yung asawa mo? Kapag nakakasuntok si Marquez na medyo malakas?   JP: Yun nga eh, yun yung minsan pinapanood, nakayuko na lang ako pagka-tinatamaan siya, yun. Kasi hindi ko ano, masakit din para sa akin kapag na-aano siya kapag nasusugatan, yun.   JS: Congressman, isang hindi ko makakalimutan yung mga laban mo kay Hatton, Dela Hoya, maaga pa lang ay alam na natin na lamang ka. Bakit dito kay Marquez parang yun mga laban… yung mga unang round parang hindi mo malaman parang cliffhanger kayo pare-pareho no? Then towards the latter rounds doon ka bumabawi bakit ganoon, pakipaliwanag mo nga yuyng inyong strategy o inyong gameplan ba maitatawag yun.   MP: Ang boxing kasi kumbaga ang ating mga kababayan ay nasanay na madaling manalo, maliwanag panalo, binubugbog natin ang kalaban natin pero sa akin is hindi naman sa lahat ng panahon na ganun ang mangyayari palagi at darating din tayo sa mga laban na close fight na tinatawag natin at ito yung kailangan natin na malaman na ito ay boxing, kasama sa laro yan at hindi sa lahat na panahon ay mananalo tayo na one-sided fight. So, ito yung pagkakataon na dumatung at pasalamat pa din tayo na dahil nanalo tayo at narinig ng Panginoon an gating dasal.   JS: Pero aaminin mo ba Congressman na si Marquez ang pinakamahirap mong nakalaban?   MP: Siguro isa sa mga talagang mahirap na kalaban ko. Anyway yung fight na iyon kung hindi din ako, actually ang strategy ko talaga para matalo ko siya ng one-sided fight is abangan lang din siya parang pumasok at maging counter-puncher lang din ako kaya ang inaalala ko ang maging resulta ng fight, boring masyado at madismaya ang lahat ng tao so ako na lang ang nag-initiate ng action sa taas ng ring at saka yun hindi naman naging boring ang fight although naging close fight basta hindi naging boring ang fight.   JS: Okay, ito ngayon ang tanong: sabi at least 22 million dollars daw ang garantisado kinita mo dito sa laban na ito. Kapag kinompute mo halos  Isang bilyon. Ang tanong Jinkee, paano ba ang hatian ninyo ni Congressman?   MP: …nakaintriga sa kanya…   JS: … Lahat? Lahat nun? Congressman?   MP: Siyempre.   JS: Aba?! Mabuting asawa talaga itong si congressman. Paano ba Jinkee? Sa iyo daw lahat ang 22 million dollars na yun parang isang bilyong piso yun.   MP: Ako naman ay nagta-trabaho para sa pamilya ko, para sa kanila.   JS: Parang ayaw mong pasagutin si Jinkee hahaha… Jinkee ikaw ang sumagot nun.   MP: Ikaw sumagot… JS: Lahat ba iyon ay sa iyo naka-intriga?... naka-intrega?   JP: Oo naman, oo. Totoo naman ang sinasabi niya   JS: Wow. Okay. Kung ikaw tatanungin kasi si Mommy Dionesia, hiling na hiling niya tumigil si Manny sa pag-boxing . Hindi na raw niya kakayanin. Pero kung ikaw tatanungin gusto mo pa ba lumaban ang iyong mister, gusto mo pa bang harapin niya si Marquezo si Mayweather pa?   JP: Pareho kami ni Mommy D, anytime pwede nang mag-retire si Manny kung gusto niya  at depende na din sa kanya kung mag-retire na din siya.   JS: Okay. So parang tatlo o apat pa bang laban Congressman hanggang 2013 tama po ba yun?   MP: Malamang. Hahaha.   JS: Papaano yan, kabadong-kabado sina Jinkee at Mommy Dionesia everytime na may laban ka.   MP: Ako din kinakabahan eh. Hahaha.   JS: Pero?...   MP: Nandiyan naman ang Panginoon laging gabay natin para hindi tayo pababayaan.   JS: Kung pumayag si Mayweather, haharapin mo ba siya?   MP: Uhm, walang problema maganda nga iyon, iyon ang hinihintay ng mga tao pagbibigyan natin ang mga kahiligan ng mga fans. Ako naman kung gusto ko lang kumita eh yung laban namin ni Marquez ay naging boring na yun, ang concern ko is kapakanan ng mga taong manonood. Kapakanan ng mga fans.   JS: Eh si Marquez, magbago ang isip hindi na magreretiro, another round, round 4 na kayo, payag ka pa ba?   MP: Walang problema hanggat nag-bo-boxing ako wala tayong pinipiling kalaban at hindi ako pumipili ng kalaban kahit sino.   JS: Maraming Salamt Congressman Pacquiao, hindi ko na tatnungin si Jinkee kasi alam na natin pwede ka nang mag-retiro na pero Congratulations, thank you na pinahanga mo ulit kami na mga kababayan mo. Thank you for making your country and countrymen proud.   MP: Thank you very much… JP: Thank you.   MP: Sa mga kapuso at sa lahat ng nanonood.