Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Paghilom sa Paglisan’ ngayong Linggo sa ‘Stories of Hope’


 


 

STORIES OF HOPE: “PAGHILOM SA PAGLISAN
September 12, Linggo ng hapon, 4:35 PM sa GMA

Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Walang sinuman ang handa sa pait na dulot nito para sa mga naulilang pamilya. Isang mahaba at malungkot na proseso, pero walang pusong hindi kayang maghilom.

 

 

Nakatakda sanang ikasal ang mag-live-in partner na sina James Edem at Angela Durias noong September 2. Pero siyam na araw bago nito, binawian ng buhay si James. Ang masaya sanang selebrasyon ng kanilang pagmamahalan, nauwi sa pighati at naging araw ng libing. Naulila ni James ang kaniyang asawa at apat na taong gulang na anak.

 



Katuparan naman sa hiling ni Charlotte Cordova ang maihatid ng amang may sakit sa kaniyang kasal. Sa kabila ng taning sa buhay, pinilit ng kaniyang amang dumalo sa pagdiriwang habang sakay ng stretcher. Tatlong araw ang nakalipas, pumanaw ang ama ni Charlotte. 

 


 

 

Panoorin : https://web.facebook.com/paradoxfilmsph/videos/211377279724136

Ngayong buwan ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng YouTube star na si Lloyd Cadena. Sa isang taon na lumipas, kamusta na kaya ang pamilya ni Lloyd at ang mga malalapit na kaibigang miyembro ng BNT o “Bakla ng Taon.”


 

 

Tunghayan ang mga kwento ng paghilom sa Stories of Hope ngayong Linggo, September 12, 4:35 pm sa GMA 7.