Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Atom Araullo Specials: "Hingang Malalim," ngayong Linggo sa GMA Network!


 

 

THE ATOM ARAULLO SPECIALS: HINGANG MALALIM

AIRING: MAY 21, 2023, 3:15 PM

 

 


Sa Sulu, isang ama ang nakikipagsapalaran sa karagatan para mahanap ang isang napakailap na yaman. Sugal ang bawat larga ni tatay Bulloh, ng kanyang anak na si Dazmin at apong si Brusli. Dahil ang hinahanap nila, matatagpuan lang sa kailalimlaliman ng dagat-- ang perlas.

 

 


Ito rin ang inaasahan niyang magtatawid sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Limampung metro ang sinisisid nila o katumbas ng labinlimang palapag na gusali. Ang tanging bumubuhay sa kanila, ang dahan-dahang daloy ng hangin mula sa isang manipis na hose at compressor.

 

 


Ilang libong taon nang naninirahan ang mga Badjao sa mga karagatang sakop ng Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Narito na sila, bago pa man maging bansa ang Pilipinas at umiikot ang kanilang buhay sa tubig.

 

 


Pero may mas malalim palang dahilan kung bakit handang ibuwis ni tatay Bulloh ang kayang buhay.

 

 


Ngayong Mayo, samahan ang The Atom Araullo Specials sa pagsunod sa buhay ng isang pamilya ng pearl diver sa Sulu. Mahanap kaya ni tatay Bulloh ang mailap na perlas?

 

Abangan sa dokumentaryong “Hingang Malalim” ngayong Linggo, May 21, 2023, 3:15pm sa GMA.