Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kulitan, tawanan at magic sa 'Tonight with Arnold Clavio!'


 


KULITAN, TAWANAN AT MAGIC!

Muling maniwala sa fantasy at magic, sa espesyal na episode ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules!

Makakasama ni Igan ang mga original Sang’gre ng Encantadia na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle! Siguradong matutuwa ang mga Encantadiks, dahil muling nagsama-sama ang tatlo at sa isang fantasy pa! 

Game silang sasali sa mga tanong at challenges na inihanda ni Igan. Una, malalaman na ang kanilang fantasy job, fantasy leading man, fantasy role, at marami pang ibang pantasya! Kung magkakaroon sila ng superpowers gaya ng mga karakter na ginagampanan nila, paano nila ito gustong gamitin?

Sasabak din sila sa game na Mystery Food kung saan habang naka-blindfold, huhulaan nila ang mga pagkaing ihahain ni Igan, gamit ang sense of taste and smell lang.

At sa game na Magic Stick, abangan kung sino ang magwawagi sa Team Igan and Karylle at Team Sunshine and Diana. Sino kaya sa apat ang hindi mahihilo kahit ilang beses mang umikot?

Meron ding makalaglag pangang tricks mula sa isang guest magician!

At heto pa --- mamamangha rin kayo sa  musika ng IV of Spades!

Kwentuhan, magic at musika! Huwag palalampasin ang TWAC ngayong March 26 at April 3, 10:15 ng gabi sa GMA News TV!

At para sumali sa kwentuhan online, i-follow ang aming social media accounts at gamitin ang #TWACMagicalNight