Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ni Dennis Roldan


ANG TUNAY NA BUHAY NI DENNIS ROLDAN
Airing Date: July 22, 2014
Airing Time: 4:00 PM



Dating professional basketball player, aktor at pulitiko si Mitchell Gumabao o mas nakilala bilang si Dennis Roldan. Siya rin ang ama ng sikat na volleyball player na si Michelle Gumabao.
 

Pero nang masangkot si Dennis sa mga eskandalo, hindi lang daw career niya ang nasira kundi pati ang kanyang personal na buhay. Minsan na kasi siyang nakulong dahil sa kasong kidnapping. Napabalita rin noon na nakipagsuntukan siya sa isang security guard.
 

Pero nagbagong buhay na raw si Dennis. Katunayan, isa na siyang pastor ngayon. Kung ano ang nakapagpabago sa kanya, alamin sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos ngayong Martes, 4:00 PM sa GMA-7.