ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Chef Jose Sarasola

TUNAY NA BUHAY: CHEF JOSE SARASOLA
MIYERKULES, FEBRUARY 10, 2021

11:30 PM SA GMA

Chef, entrepreneur at aktor. Gaya ng kanyang mga niluluto, masasabing nakuha na niya ang tamang timpla pagdating sa kanyang career.

 


Una siyang lumabas sa telebisyon nang sumali sa isang reality show sa kabilang istasyon taong 2008. Fast forward to 2021, kasalukuyan siyang napapanuod sa pinaka bagong fantasy drama series ng GMA na “The Lost Recipe.” Ang binansagang “hunky chef”, na kadalasang nagbabahagi ng recipes sa daily morning show na Unang Hirit.

 

ADVERTISEMENT


Outside showbiz, abala naman siya sa kanyang sariling restaurant at ang nagsisilbing inspirasyon daw niya sa lahat ng ito, ang girlfriend niya na retired Japanese actress na si Maria Ozawa.

 



Samahan si Pia Arcangel na alamin ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Jose Sarasola ngayong Miyerkules, 11:30 PM, pagkatapos ng 'Saksi' sa GMA.