ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Bossing Vic Sotto

TUNAY NA BUHAY
“VIC SOTTO – Tunay na Buhay’s 10th Anniversary Special”

MIYERKULES, FEBRUARY 24, 2021
11:30 PM SA GMA 

 


Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng ‘Tunay na Buhay’, isang espesyal na showbiz icon ang tampok ng programa para sa mga manonood—ang “everybody’s favorite” na si “Bossing” Vic Sotto!

Sa nakalipas na apat na dekada, naging bahagi siya ng buhay ng maraming Pinoy bilang si Victorio Ungasis sa ‘Iskul Bukol’, Enteng Kabisote sa ‘Okay Ka, Fairy Ko’, Barak Otogan sa ‘Daddy’s Gurl’… at siyempre… bilang si Bossing sa longest-running noontime variety show na ‘Eat Bulaga.’

 


Sa kauna-unahang pagkakataon, makakapanayam ng “Tunay na Buhay” ang beteranong aktor at komedyanteng si Vic Sotto tungkol sa personal niyang mga kuwento—magmula sa kaniyang pagkabata, pagsisimula sa industriya ng showbiz, at mga prinsipyo bilang isang ama.

Makakasama rin sa kuwentuhan ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto, at ibabahagi nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon, maging ang favorite bonding moments nila sa anak na si Tali!

 

ADVERTISEMENT



Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang kaniyang mga “Dabarkads” sa pagre-reveal ng mga trivia tungkol sa kaniya! Anu-ano kaya ang ibubuking nila tungkol kay Bossing?
Samahan si Pia Arcangel na alamin lahat ng ‘yan sa special 10th anniversary episode ng “Tunay na Buhay” ngayong Miyerkules, February 24, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Saksi” sa GMA.


ENGLISH SYNOPSIS:

This month, in celebration of Tunay na Buhay’s 10th anniversary, we are featuring a special showbiz icon who has been part of Filipino’s noontime habit and is considered as “everybody’s favorite” — the one and only Vic Sotto.

He is known for his roles as Victorio Ungasis in ‘Iskul Bukol’, Enteng Kabisote in ‘Okay Ka, Fairy Ko’, Barak Otogan in ‘Daddy’s Gurl’… and of course, as Bossing in longest-running noontime variety show ‘Eat Bulaga.’

For the first time, “Tunay na Buhay” will have a fun chat with veteran actor and comedian Vic Sotto about his personal stories 
 including his childhood memories, how TVJ group started, and his principles as a father.

His wife, Pauleen Luna-Sotto will also share details about their relationship as a couple, and their bonding moments with their daughter Tali.

And of course, Bossing’s “Dabarkads” will also reveal fun facts about him!

Together with Pia Arcangel, get to know more about Bossing in this 10th anniversary special of “Tunay na Buhay’ this coming Wednesday, 11:30  PM, after ‘SAKSI’ on GMA 7.