ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Pokwang

TUNAY NA BUHAY NI POKWANG
August 11, 2021

 

 

Sino itong bagong Kapuso comedienne na dati palang OFW?

ADVERTISEMENT

At noong nagta-trabaho bilang sa Abu Dhabi, hindi siya pinayagang makauwi ng kanyang agency kaya namatay ang anak niya nang hindi niya nakikita.

Kilala n'yo ba siya?

 

 

Bago siya napadpad sa showbiz, nakipagsapalaran muna siya sa ibang bansa bilang isang entertainer, dancer, choreographer, at domestic worker. Nang umuwi sa Pilipinas, sinubukan naman niya ang kaniyang suwerte sa isang reality talent show para sa mga baguhang komedyante, at mula noon ay nagpatuloy na ang pagningning ng kaniyang bituin. Noong nakaraang Hunyo, naging official Kapuso na siya at napapanood na ngayon sa iba’t ibang programa sa GMA kabilang na ang ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.’

Pero sa kabila ng mga tawa at sayang hinahatid niya sa kaniyang mga tagahanga, ano-ano naman kaya ang mga personal na hamon na pinagdaanan niya sa tunay na buhay?

Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel na makipagkuwentuhan sa komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala natin bilang si Pokwang, August 11, 11:30 PM pagkatapos ng ‘SAKSI’ sa GMA 7.