ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mag-anak na deaf-mute sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG "Pamilyang Deaf-Mute," "Ang Nunal ni Merly" at "Mapurol na Tadhana ng Mag-asawang Matanda" Airing Date: September 15, 2012 Sino nga ba ang magdadamayan, kundi ang magkakamag-anak. Ito ang katwiran ni Jonathan at mga pamangkin niyang sina Donald at Mary Joy.  Isang dahilan kung bakit sila rin ang magkakasundo, ay hawig din daw ang pinagdaraanan nilang mga hamon sa buhay, sila ay mga pipi’t bingi. Magkasama sila sa iisang kubo na kung sila ay pansamantalang pinatira lang. Si Jonathan ay nagluluto ng puto at namamasukan din bilang taga-linis para matulungan ang magkapatid na sina Donald at Mary Joy para maipag-patuloy ang kanilang pag-aaral.    Mapurol na Tadhana ng Mag-asawang Matanda Sa Batangas City, makikita raw ang matandang mag-asawang sina Lolo Jerry at Lola Catalina. Kahit uugod-ugod at mahina na, kumakayod pa rin ang dalawa. Sakay ng tri-bike, sinusuyod nila ang mga lansangan para i-alok ang kanilang serbisyo na mag-hasa ng mapupurol na kutsilyo at itak. Hindi raw matatawaran ang kasipagan nila, pero ang mas higit na nakaka-hanga ay pagpapatunay na balewala ang kahirapan basta mapapanatili raw ang tamis ng pagmamahalan.   Ang Nunal ni Merly Para sa iba, pampaganda raw o beauty mark ang nunal, pero para sa dalagang si Merly, tila sumpa ang mga nunal sa kanyang katawan. Parang parusa kasi ang patuloy na pagdami at paglaki ng mga ito lalo na sa kanyang ari at puwetan. Hindi niya alam kung ito ba’y dahil pinaglihi raw siya sa atay ng kalabaw o ito raw ang dulot ng matagal na pagkatitig sa eclipse o paglaho ng araw.   Tunghayan kung kaya nga bang punan ng pag-ibig lang ang nagugutom na sikmura?... at ano ang mangyayari kay Merly at sa kanyang mga nunal? Abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, sa Sabado, 6:30 pm pagkatapos ng Pinoy Adventures. Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter!