ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga nunal ni Merly sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG Ang Nunal ni Merly Nasa Facebook si Ate Kambal na Nawalay Airing Date: September 22, 2012 Ang dalagang si Merly, pinaparusahan daw ng isang kakaibang kondisyon na siya lamang sa halos kalahating milyong tao ang nagtataglay sa buong mundo. Ito ay ang abnormal na pagdami at pagkalat ng nunal sa katawan. Halos nilamon na raw ang buong pagkatao niya ng kanyang mga buhay na nunal.   Dahil inabandona ng kanilang ina ang kanyang ate noon, hindi nakilala ni Leah ang kapatid. Kaya sinubukan niyang hanapin ang kapatid sa social networking site na Facebook. Hindi naman nabigo, nakita niya ang ate niya ngunit handa na kaya itong patawarin ang nagkulang nilang ina?   Habang si Aniceto, malapit na raw mabulag, ngunit may isa lamang siyang wish bago mangyari ito…Ang makita si Amador, ang kakambal niyang nawalay sa kaniya ng mahigit dalawang dekada.   Tunghayan kung may lunas pa ang kalbaryo ni Merly… at sapat na ba ang pagsisi ng ina ni Leah para mapatawad ng kanyang ate?... at saan na nga napadpad ang kakambal ni Aniceto?  Abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, sa Sabado, 6:30 pm sa GMA-7. Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter!