ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang babaeng ubas sa 'Wish Ko Lang' 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG
Airing Date: October 20, 2012
 
Sa isang palengke ng Zambales, may isang tindera ng gulay na kung tawagin ay babaeng ubas. Kapansin-pansin daw kasi ang mukha niya na tadtad ng mga butlig at maliliit na bukol. Siya si Natividad Niano at sa edad na apatnapu’t pito, hindi niya raw alam ang tawag sa kanyang kundisyon. Habang si Josefina, hindi malimutan ang isang kabanata ng kanyang buhay, ito ay ng iwan ang anak noon. Naghiwalay daw sila ng kanyang mister at pilit niyang sinasama ang bata pero ayaw ibigay sa kanya. Kung sakali raw na tangkain na kunin ang anak, tiyak na magkakagulo raw. Lumipas ang maraming taon, umaasa na lang ang nangungulilang ina na mag-krus muli ang kanilang landas ng kanyang panganay. Wish ni Josefina ay maganap iyon sa lalong madaling panahon dahil umiikli na raw ang mitsa ng kanyang buhay dahil sa isang malubhang karamdaman.  Ano nga ba ang sakit sa balat ni Aling Natividad? At paano maaayos ang gusot ni Nanay Josefina sa kanyang dating mister na hadlang para makapiling ang anak? Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 6:30pm pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.
Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at Twitter!