ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang kambal na scholar, at ang batang mariposa, tampok sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Taong 2006, ipinalabas sa Wish Ko Lang! ang kuwento ng kambal na sina  Jennifer at Jennilyn sa Baguio. Naipakita rin ang pagsusumikap ng kanilang ina na nangangalakal para mairaos ang kanilang pang-araw-araw. Habang silang magkapatid, natunghayan din ang kanilang pagtitiis sa ilaw ng poste para makagawa lang ng kanilang assignment. Makalipas ang pitong taon, muling kinamusta ang mag-iina at marami na ang nabago mula noong huli silang makita. Ang kambal ay nakapagtapos na sa kursong nursing. Patunay na binigyang halaga nila ang scholarship na natanggap nila noon. Kaya ang pinapangarap na tagumpay ay mas madali na nilang makakamit.

Sa Camarines Norte, isang mag-ina raw ang nakatira sa koral ng baboy kung saan kasama ang ilang alagang bibe at aso. Hindi naman daw nila ginusto ito, mula kasi ng mamatay ang mister ni Nanay Mis, kinailangan niya raw ng pera at sa sobrang kagipitan, naisangla niya ang kanyang bahay at lupa. Mula noon, sa kulungan na ng hayop sila nagtigil ng kanyang anak na si Zaldy.

Habang sa Marinduque, may isang bata na may kakaibang sakit sa balat na wala na raw lunas. Ang labing-isang taong gulang na si Joyce ay mayroong Epidermolysis Bullosa, kung saan siya ay nagbabalat, nagpapaltos at nagsusugat. Madalas naihahambing ang kutis niya sa pakpak ng mga paru-paru dahil sa selan nito. Mula ng lumala ito, tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa pangungutya ng iba at nahihirapan na rin sa kalagayan niya. Anong kinabukasan ba ang naghihintay sa batang si Joyce gayong dala-dala na niya ang kondisyon na ito hanggang sa kanyang pag-laki?
Tags: plug