advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagang naulila dahil sa sunog, bibisitahin ng 'Wish Ko Lang'


 


Nitong Mayo lang, ang isa sanang masayang okasyon, nauwi sa trahedya para sa Pamilya Camus. Kaarawan noon ni Tatay Ricky at abala sila ng kanyang mga anak sa pagluluto para sa konting salo-salo nilang mag-anak. Pero ang gamit pala nilang tangke ng LPG ay may singaw at nang may nagsindi ng kalan, mabilis na sumilab ito at sumabog. Matindi ang sunog na tinamo nilang mag-anak. Tanging ang bunso nilang si Ina ang nakaligtas dahil natiyempong nasa banyo siya nang mangyari ang pagsabog.

Agad silang itinakbo sa ospital pero dahil sa tindi ng pinsala sa kanila, isa-isa silang namamatay. Kaya si Ina, ulila na ngayon dahil walang natira sa kanyang pamilya. Haharapin niya ang kanyang kinabukasan na nag-iisa at bitbit ang pait ng ala-ala ng trahedya sa kanyang mga mahal sa buhay.

Tunghayan ang pagganap nina Mikee Quintos, Empress Schuck, Adrian Pascual at Irene Celebre para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

LOADING CONTENT