Filtered By: Serbisyopubliko
Serbisyo Publiko

PANAWAGAN: Flordeliza Arena Delgado



Ang Medical Social Service po ng Philippine General Hospital ay nananawagan sa kung sino po ang nakakakilala kay Flordeliza Arena Delgado, 33 years old at sinasabing nakatira sa Molino 3, Bacoor, Cavite.

Siya po ay dinala sa emergency room noong December 9, 2018 dahil siya ay nabunggo ng truck sa Brgy. Poblacion, Kawit, Cavite.

Ang pasyente ay hinihinalang may problema sa pag-iisip subalit nabanggit niya na ang pangalan ng kanyang ina ay Mestrikana Vergara. Siya ay nagtamo ng bali sa kanang paa.

Maari pong makipag-ugnayan sa aming opisina sa teleponong 554-8400 local 2502 at sa 526-7218.

________

Kung may nawawala kayong kamag-anak na nais ninyong ipanawagan, makipag-ugnayan lamang sa Sumbungan ng Bayan. Maaari ninyo silang tawagan sa (02) 333 7161 o kaya naman ay sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na Sumbungan ng Bayan.

LOADING CONTENT