Hayden Kho Jr wants to live a normal life
Wala raw ibang hangad si Hayden Kho Jr, na napabalitang nagtangkang magpakamatay, kundi ang mamuhay ng normal mula nang masangkot sa sex video scandal. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na nakalabas na sa ospital si Hayden nitong Miyerkules. Ngunit taliwas sa naglabasang ulat na bigong pagpapakamatay ang dahilan kaya isinugod ito sa pagamutan, iginiit ng kanyang abogado na sobrang âstress" ang naging sakit ng binata. Nagpakita pa si Atty. Lorna Kapunan sa GMA News ng larawan ni Hayden habang naka-confine sa ospital para patunayang hindi nagpakamatay ang kanyang kliyente. Sa naturang larawan, walang sugat sa mukha ang kontrobersiyal na binata taliwas sa napaulat nang makita umano ito sa taniman ng pinya sa Cavite.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âOfficial statement of the Manila Doctorsâ Hospital is that he had extreme abdominal pain which causes vomiting, and they kept him to rule out gastric ulcer. Its just all stress related," pahayag ni Kapunan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Ayon sa abogado, ang stress ay nakuha ng kanyang kliyente dulot ng pagkakaalis ng kanyang lisensiya bilang duktor, pressure sa pag-aaral at mga inaasikasong dokumento. Idinagdag ni Kapunan na itutuloy ni Hayden ang normal nitong buhay. Kasalukuyan umanong kumukuha ang binata ng MBA sa isang unibersidad. Noong Lunes, naghain si Kapunan ng apela sa Professional Regulation Commission para hilingan na baligtarin ang nauna nitong desisyon na alisan ng lisensiya si Hayden bilang duktor dahil sa lumabas na video scandal kasama ang ilang babae kabilang ang aktres na si Katrina Halili. Naunang sinabi ni Kapunan na hindi natuwa si Hayden nang malaman ang kumakalat na balita na muli siyang nagtangkang magpakamatay. - Fidel Jimenez, GMANews.TV