Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celeb castaways in Survivor Philippines revealed


Ipinakilala na ang 18 celebrities na magtatagisan ng lakas at diskarte sa mga challenge na gagawin sa third season ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown na ang host ay si Richard Gutierrez. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, isa-isang ipinakilala ang siyam na lalaki at siyam na babaeng celebrities na maninirahan sa isang isla ng 40 araw para pag-agawan ang kauna-unahang titulo bilang Sole Celebrity Survivor.

Ang mga babaeng celebrity castaways ay binubuo nina StarStruck V Avenger Princess “Ang Pasaway" Snell; actress Karen “Taray Queen" delos Reyes; model Solenn “Diwata ng Kagubatan" Heussaff, at Sexbomb member Aira “Dancing Warrior" Bermudez. Makikipagbuno rin sa grupo ng mga babae sina sexy actress Aubrey “Hot Mama" Miles; Bubble Gang cast member Mykah Flores; young actress Michelle “The Outcast" Madrigal; actor’s personal assistant Moi “Yayang Palaban" Marcampo; at long-jump queen Elma “Strong Mama" Muros. Pinakabata naman sa mga castaway ang TV teen host na si Mico “Bibong Bunso" Aytona; kasama rin ang basketball player at model na si Ervic “Power Player" Vijandre; Parokya ni Edgar bassist Buwi “The Tribe Leader" Meneses; at comedian Pretty “The Cheerleader" Trisha.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV (VIDEO 2) meet-the-celebrities-of-survivor-philippines-part-2 (VIDEO 3) meet-the-celebrities-of-survivor-philippines-part-3 Kasama rin sa grupo ng male celebrities sina StarStruck V Avenger Ian “Pilyong Amboy" Batherson; bagong Kapuso actor Ahron “Ang Bolero" Villena; Born To Be Wild host Doc Ferds “The Boss" Recio; model Jon “Siga ng Isla" Hall; at Brazilian-Japanese model-actor Akihiro “Mr Nice Guy" Sato. Ilan sa mga pangyayari sa isla na ibinahagi na ni Richard ay ang pagsugod ng isang castaway sa kalabang ka-tribu na may hawak na itak. Naging mahirap din umano ang buhay nila sa gubat dahil sa kagat ng mga insekto. Dapat ding abangan kung papaano makikitungo sa isa’t isa sina Audrey at Michelle. Si Audrey ay dating nobya ni John Hall, at ngayon ay nobyo naman ni Michelle. Sanay sa magaang na buhay sa siyudad ang mga celebrity castaway kaya abangan kung papaano nila kakayanin ang hirap ng buhay sa kagubatan. - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV