Bela Padilla talks about her working relationship with Marian Rivera
Hindi man sila naging magkaibigan sa set ng Endless Love, sinabi ni Bela Padilla na naging maganda naman ang working relationship nila ng kanyang co-star na si Marian Rivera. Matatandaan na napaulat na nagkaroon umano ng iringan sina Bela at Marian sa set ng Endless Love. Gumaganap si Bela sa naturang soap bilang kontrabidang girlfriend ni Dingdong Dantes â na real-life sweetheart ni Marian. Sa ulat ni entertainment reporter Lhat Santiago, sinabi umano ni Bela na tapos na ang isyu at hindi na dapat pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Marian. (Read: Marian and Bela settle differences after closed-door meeting) âWala man kaming relationship whatsoever, hindi kami nagkaroon ng chance na maging friends or anythingâ¦working relationship okey naman, natapos namin lahat ng eksena namin," paliwanag ng dalaga sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Labis ang pasasalamat ni Bela sa management ng GMA 7 sa pagkakasama niya sa Endless Love. Dahil sa hit series ay lalo siyang nakilala ng mga tao, bagaman marami rin ang nagalit sa kanya dahil sa kanyang ginagampanang karakter. âKahit nag-istart pa lang ang Endless Love inacknowledge ko na mapapasama ako sa isang soap kung saan nandoon mga pinakamalalaking artista ngayon. Talagang umpisa pa lang, talagang greatfull na ako na binigay saâken ng GMA yung Endless Love," ayon kay Bela. Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga nagagalit sa kanyang karekter at kahit sa Internet ay may mga nagpo-post ng hate massages sa kanya? âI canât do anything about that, because itâs their opinion. Iâd like to thank my fans naman na sumuporta saâken, maraming salamat dun sa mga open mindedâ¦kailangan naman intindihain natin (na) character lang âyon, nagtatrabaho lang," paliwanag niya. Excited na rin si Bela sa susunod niyang project after Endless Love kung saan makakasama niya ang isa pang big star ng GMA 7 na si Richard Gutierrez. âSusunod kong makakasama si Richard Gutierrez and Iâm so excited. Alam naman natin na flag bearer siya ng GMA, so natutuwa akong masyado binibigyan ako ng magadang projects ng GMA," ayon pa kay Bella. - FRJimenez, GMANews.TV