advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca King, Heart Evangelista patch things up


Tapos na ang hidwaan kina Bianca King at Heart Evangelista matapos magkausap ang dalawa sa Sunday variety show na Party Pilipinas. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na nagbigay lang ng ilang detalye si Bianca tungkol sa kanilang pag-uusap ni Heart na naganap ilang linggo pa lang ang nakalilipas. Umusbong ang sigalot sa dalawang star nang mapabalitang nililigawan din ng noo’y boyfriend ni Heart na si Ian Dy, ang kapwa Kapuso na si Bianca.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pag-amin ni Bianca, matagal na niyang gustong makausap si Heart, at kahit noon ay wala para sa kanya ang naturang isyu. (Read: Bianca King clarifies 'walkout issue' on a talk show) “Ilang time na rin akong nag-extend sa kanya ng hands to talk pero parang because nga of certain people sa life niya, siguro hindi pa tamang time (noon)," paliwanag ni Bianca sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Sa ngayon, nakatutok daw si Bianca sa kanyang career. Bukod sa acting, pinaghahandaan ni Bianca ang kanyang pagdi-direk sa music video ng Kapuso artist na si Frencheska Farr. -- FRJimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT