Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana and Geoff Eigenmann status: ‘In a relationship’


Isiniwalat na ni Carla Abellana na sinagot na niya ang kapwa Kapuso artist na si Geoff Eigenmann na matagal nang napapabalitang nanliligaw sa kanya. Sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel, ikinuwento ni Carla kung papaano niya sinagot ang binatang anak ng premyadong direktor at aktres na si Gina Alajar. “Yes, we are committed to each other," paniwala ni Carla sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Basta nag-propose lang siya, alam niyo naman na ‘yon lang ang hinihintay ko ‘di ba. Nag-uusap kami, we were walking tapos we were having a good time, tapos yun out of nowhere nagtanong na siya (will you be my girlfriend)."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ng dalaga na nagdasal muna siya bago niya ibinigay kay Geoff ang matamis niyang oo. Nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Carla at Geoff nang magkasama sila sa soap na Rosalinda. Naipaalam na rin umano nila sa kani-kanilang magulang ang kanilang relasyon. Si Carla ay anak ng actor na si Rey PJ Abellana. - FRJimenez,GMANews.TV