ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Assunta De Rossi tired of negative issues hurled at her husband


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ayaw na ni Assunta De Rossi na magkomento tungkol sa mga negatibong isyu na ibinabato sa kanyang asawa na si Negros Occidental Rep Jules Ledesma tulad ng umano’y paggamit nito ng ilegal na droga at pagiging bakla. “Wala naman na akong ikukuwento pa, I mean baka makornihan pa kayo," pahayag ng aktres sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Bukod dito, ayaw na rin daw ng kongresista na banggitan niya ang pangalan nito sa kanyang mga panayam. Nitong Oktubre, sinagot ni Rep Ledesma sa isang interview ang mga kontrobersiyal na isyu na ibinabato sa kanya, pati na ang umano’y kanyang pagiging bakla.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Asunta, ayaw na niyang problemahin ang mga intriga tungkol sa kanyang mister. Ang mahalaga umano ay masaya ang kanilang pagsasama. Katunayan ay nakita ng GMA News si Assunta na nagre-relax. Bahagi umano ng kanyang ritwal sa pagpapaganda ang pagpunta sa spa. “Never ko talaga dineny na napaka-vain ko talaga pero hanggang ganyan lang naman ako…parang actually takot nga ako sa mga surgery, ayoko ng mga injection," pahayag ng aktres. Kabilang sa paraan na ginagamit kay Assunta sa pagpapaganda ay ang pagpapahid ng plasenta na kinukuha sa mga bagong silang na sanggol. Ang naturang proseso ay nakatutulong umano para maibalik sa dating kutis ng tao. Natutuwa naman ang aktres dahil suporta ng kanyang mister ang kanyang pagpapaganda. Pero mahigpit umano ang bilin ng kongresista na huwag lang siyang sosobra na hahantong sa mga surgery. “Ayaw niyang sosobra tulad ng mga surgery, ayaw din niya nun," ayon kay Assunta. - FRJimenez, GMANews.TV