Kris Bernal ready to pose for FHM?
Kinumpirma ni Kris Bernal na nililigawan siya na mag-pose ng sexy bilang cover sa isang menâs magazine. Pumayag naman kaya ang young Kapuso star? âKinausap na nila âko⦠ng FHM. At talaga namang ang laki ng respeto ko sa magazine na âyon. Talagang naano nga ko eh, na-touch ako sa kanila,â talaga, gusto niyo âkong kunin?" kuwento ni Kris sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Miyekules. Pero kahit na itinuturing ng young actress na isang karangalan ang maging cover sa naturang magazine, sinabi ni Kris na hindi pa siya ready.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âEven yung mommy ko inaadvice niya rin na âwag muna, too early pa. Dito muna ko, sa ganitong image talaga. Pasexy-sexy ng konti pero sa Party P (Pilipinas) lang," ayon kay Kris. Nagkuwento rin ang young star tungkol sa sad experience niya nang manood at madukutan siya sa concert ni Miley Cyrus last Friday. Kasama niya sa panonood ang rumored boyfriend na si Jay Perillo. âActually hindi ko alam na nadukutan ako. May nag-text lang saâken na taga-Showbiz Central at sinabi na napulot daw yung lisensiya ko. So tsinek ko yung bag ko, wala na nga," aniya. Pero paglilinaw ni Kris, hindi pa raw niya boyfriend si Jay. Masugid daw ang ginagawang panunuyo sa kanya ng binata at inilarawan niyang pinaka-sincere sa lahat ng mga nanligaw sa kanya. - FRJ, GMA News