We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bukod sa pagtutok sa telebisyon gabi-gabi sa GMA 7, maaari na ring tuklasin ang mundo ng princess-warrior na si Amaya sa Internet sa pamamagitan ng microsite ng iGMA.tv. Sa pamamagitan ng opisyal na 'Amaya' page sa iGMA.tv, malalaman ang lahat ng tungkol sa first epicserye sa Philippine television na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kabilang sa mga makikita sa âMundo ni Amaya" ay ang cast at crew members ng epicserye, mga larawan, videos, Amaya stream, at iba pa. Dito ay malalaman din kung papaano nagsimula ang kwento ni Amaya, na mahigit isang taong sinaliklik ng mga sumulat ng kuwento, at nakipag-ugnayan sa mga historian para makuha ang mga mahahalagang detalye sa kasaysayan ng mga unang Pilipino sa bansa. Mayroon din itong âglossary" na naglalaman ng mga detalye sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino at pati na ang mga katutubong salita. Ilan dito ay ang Abba na ang ibig sabihin ang Diyos; ang Banwa â Komunidad; Baroto â Bangka; Bulan â Buwan; Gubat â Pakikidigma; Gurang â Matanda; Umbo- Ate; at Kalag â Kaluluwa at Kiral â Malaswa. Ang Amaya ay pinakabagong handog ng GMA 7 sa Telebabad block na mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng Captain Barbell. -- FRJ, GMA News