Sexy Michelle reveals real score between her and Azkals’ Etheridge
Nagsalita na ang Kapuso sexy star na si Michelle Madrigal tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Niel Etheridge, ang goal keeper ng sikat na football team na Philippine Azkals. Sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Martes, sinabi ni Michelle na magkaibigan lang talaga sila ni Niel. Kahit daw may nakakakita na lumalabas sila ni Niel, iginiit ni Michelle na lagi silang may kasamang iba.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âWeâre just friends. Kasi yung best friend ko agent nila. So it just so happened kunwari magkakasama we hung out talaga pero never kaming lumabas na kaming dalawa (lang)," paliwanag ng Kapuso actress. Posibleng nagsimula araw na maugnay sila sa isaât isa dahil sa mga âsweet" tweets sa kanya ni Niel. Pero sadya raw mapagbiro lang ang goal keeper ng Azkals. Inamin naman ni Michelle na hindi mahirap magustuhan si Niel dahil mabait ito at kalog. Ngunit pagtatapat ni Michele, may iba talagang nagpapatibok ng kanyang puso. âIâm dating someone else not Niel Etheridge⦠not showbiz," masayang pahayag ng aktres. - FRJimenez, GMA News