Kylie Padilla admits she misses Aljur Abrenica
Kahit very busy sa trabaho, tila hindi nawawala sa isip ni Kylie Padilla ang nali-link sa kanya na si Aljur Abrenica na kasalukuyang nasa Amerika. Ayon kay showbiz reporter Lhar Santiago, halos buong araw sa loob ng isang linggo na nagtatrabaho si Kylie. Tatlong beses kasi sa isang araw ang taping ng dalaga sa pinagbibidahan niyang soap na Blusang Itim. Bukod sa Blusang Itim, kasama rin si Kylie, anak ni Robin Padilla, sa sikat na Kapuso teen series na Tween Hearts. Masaya raw ang dalaga sa magagandang feedbacks na nakukuha niya tungkol sa Blusang Itim. Maski nga ang original âJessa" sa Blusa na si Snooky Serna ay puring-puri si Kylie dahil mahusay daw nitong nagagampanan ang naturang karakter.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Kylie naman, todo rin ang pasasalamat sa nakukuhang suporta, maging kay Snooky. Samantala, nasa US ngayon si Aljur para sa mga show ng Pinoy TV doon, at kasabay na rin ang bakasyon. Hindi naman itinanggi ni Kylie na nami-miss niya ang binata dahil ganun naman daw talaga ang mga magkakaibigan. Ano naman kaya ang nami-miss ni Kylie na ginagawa sa kanya ni Aljur? âSiguro nami-miss ko yung kapag kinakatahan niya ko⦠ganda ng boses eh," nakangiting pahayag ni Kylie sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Ano naman kaya ang mensahe niya para kay Aljur? âI miss you, there you go. Ingat din and have fun. America âyan my God pangarap ko âyan," ayon sa dalaga. â FRJ, GMA News