'Teach Me Hot to Dougie’ version ni Elmo Magalona, nag-hit sa Twitter
Pumatok ang pagkanta at pagsayaw ni Elmo Magalona ng âTeach Me Hot to Dougieâ sa noontime show na Eat Bulaga last Wednesday. Katunayan, naging trending topic worldwide ang naturang performance sa social networking site na Twitter. Dahil sa nakuhang atensiyon ng naturang production number, lalo raw na-challenge si Elmo na galingan pa ang mga susunod niyang performance, ayon sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âIâm not expecting anything like that⦠but it was about the number I did on Eat Bulaga⦠hindi lang yung viewers ang natuwa pero pati ako siyempre natuwa dahil nakapagperform ako ng number na gustong-gusto ko talaga," pahayag ni Elmo sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Paliwanag sa ulat, kailangang magkaroon ng mahigit one million tweets in a given time sa isang usapin para maging trending topic. Kaya naman hindi makapaniwala si Elmo sa nakuhang atensiyon ng kanyang performance sa Eat Bulaga, at lalo raw niyang paghuhusayin ang kanyang mga ginagawa. -- FRJ, GMA News